Jaye BihagMeet the Candidates: Jaye Bihag
Interview by: Kathlyn Go

So tell me about yourself. Why do you want to run for Auditor?

Actually, this year hindi ko talaga plan tumakbo. Someone from the COMELEC asked me earlier during the filing of candidacy pa lang if I want to run, I said no. Pero after na na-extend ng na-extend yung filing, one of my classmates told me na, “Jaye, ni-recommend ka ng dalawang candidates sa presidents.” Tapos inisip ko na bakit nila ako i-rerecommend. Tapos for me, it’s something na I really have to think about. Parang meron silang tiwala sa akin. Dati kasi since high school and college, I’ve been involved sa organizations. Humawak ako ng positions, I know how to handle stuff, how to lead. But for med kasi, dream ko siya since bata ako, so for me, feeling ko dapat focus siya sa studies. Pero nung first year, nag-try ako na studies lang and hindi siya naging effective for me. Nagtry ako maghanap ng extracurricular activities, nag-DC ako, nag-SAGIP. Pero now I think na serving the Lukan Community is another privilege na ibibigay sa akin. And also a challenge na maiimprove ko pa sarili ko and syempre parang one year din ako na-bakante sa ganun na may hinahandle na stuff. Though sa may group activities active pa rin ako, leading. This year, kahit na sino naman na uupo sa kanila as president naniniwala ako na kaya ko mag-work and the fact that ni-recommend nila ako means that they want to work with me, so I take the challenge.

What other experiences do you have that make you believe that you are qualified for the position?

I think that the work of the auditor kasi for me, keen ka dapat sa detail. Wala ka dapat papalampasin na hindi mo na-note, hindi mo na-account. Lalo na pera ng school, pera ng students. So ganun kasi ako, sobrang [ma-detalye]. Actually, hindi ko alam kung burden ba siya. Or something good. Minsan kasi pangit siya kasi na-stuck ako sa work na yun. Sub-transhead din ako so gusto ko na before ko i-release maayos siya. Pero yun din yung maganda sa pagiging metikulosa mo sa detail. Ayaw ko na ibibigay na output na hindi ko nadaaanan lahat. And I think that’s one of the most important things pag auditor, yung lahat talaga before i-release, na-take into account mo.

Na-mention mo a while ago na inurge ka mag-run for the position. Was your choice to run an impromptu decision?

Late ako nag-file. Yung in-open sa akin na position [ay] treasurer or auditor. Tapos tinignan ko yung constitution kung ano yung roles nila. Ang nakita kong main difference, ang treasurer ang makikipag-negotiate sa sponsors, admin, pati sa committees ‘pag nagbibigay sila ng budget report or proposal. Siya yung makikipag-negotiate para sa budget. Yung sa auditor, safekeeping and record taking.

Being an auditor is a heavy responsibility, and I understand that we’re all med students here. How do you intend to balance your academic responsibilities and your responsibilities as Auditor?

Isa [yan] sa reasons kung bakit I chose to run for auditor and not for treasurer. Kasi I think na sa pagiging auditor, kaya kong gawin yung trabaho sa oras ko. And confident kasi ako sa work ko sa computer stuff, kasi gagamit ng excel. Kaya ko tapusin yung work lalo na pag gagamit ng computer nang mabilisan. So mas kaya ko siyang gawin sa oras ko and mabibigyan ko pa rin ng time ang studies ko.

How do you deal with conflict?

‘Pag may group stuff tapos nagkaroon ng conflict with one person, I always try to reach out sa tao na yun muna. Ayoko na isang tao lang yung may problema nadadamay na yung iba. I respect other’s time din. Kaya kung tayo lang yung may problema, tayo lang yung mag-uusap. And in a calm way, kasi I believe na if your approach mo is very strong hindi din magiging maayos. Aalamin ko side niya and sasabihin ko rin yung sa tingin namin na nangyari.

Pag yung problem naman ay sa group talaga, I always take into account na lahat ng voices sa group mai-raraise nang maayos. For me kasi magaling ako mag-rephrase ng words para lalo na pag may isang taong nahihirapan mag-explain sa kanya. Kaya hindi kami aalis sa topic na yung hanggat hindi naiintindihan ng bawat isa yung point namin before kami mag-proceed. I believe that good communication will lead to better relationships.

What is the Lukan Brand for you?

For me, ang Lukan Brand ay notable sa lahat ng aspeto. Hindi siya absolute na mabuti but nag-shshine. Ipasok mo siya sa larangan ng art, notable tayo. Sa dancing and singing, notable. Sa sports, nandyan din tayo, sa academics. Hindi tayo nawawala sa scene. Although may room for improvement, pero andun tayo lagi.

Do you have any messages for the students?

Okay naman na sa akin ang past admin regarding sa finance. Ang nakita ko lang na kulang talaga are yung projects na mag-bebenefit directly ang students kaya yun yung nasa platform ko yung mga activities or projects na kahit hindi malaki yung nakukuhang profit or fund ng student council, pero ma-aaddress ang mga pangangailangan ng students. Like yung retail store, kailangan pa nating lumabas ng school para makabili ng gamit. Paano pag sobrang late na? Nag-sstay ang mga students dito hanggang 9 o’ clock. And yung online trading, I know na maraming ng school ang may ganito. May page sila na nagbebenta ng stuff. Wala din tayo nun. I think na kailangan din natin siya kasi community tayo, to help each other. Na-instill na sa atin since first year pa lang ang value ng cooperation, sa trans system. So why not take it to a higher level? I will try talaga to propose projects na student-centered. Gusto ko yung mga project na makukuha tayo kaya natin tatangkilikin.

/ END /